Estranghero

Thursday, January 7, 2010 | |


Sabado. January 2, 2010

Nagyoyosi ako sa labas ng Jollibee Rosario habang hinihintay ang kasama ko. Hithit nikotina tapos bunga mga ilang minuto na rin ako nagyoyosi. Maaraw ngayon, walang masyadong tao siguro nagsiuwian sa probinsya at sinusulit ang mahabang bakasyon.

Pinansin ko ang mga taong dumaraan. Ngayon ilang ata naging ganito kaunti ang tao sa lugar na to. May tumigil sa harapan ko isang mama, nakayellow shirt at shorts. Tinignan nya ako -hindi naman manyak na tingin o kaya'y parang gagawin kang kilawin, tamang tingin lang. Tinignan ko din sya dahil hindi naman ako bulag at marunong din akong tumingin. Inisip ko kung kakilala ko sya isa-dalawa-tatlong segundo ah di ko sya kilala patuloy kong hinithit ang yosi.

Lumapit sya sa akin, tumatakbo na sa utak ko ang sasabihin ko: Pasensya na po hindi po ako callboy.

Kumusta ka? tanong nya sakin.
Okay naman. Tugon ko

So saan ka na ngayon? usisa nya
ah eh? na lang ang nasabi ko

San ka na ngayon nagtratrabaho?
Sa Eastwood po. Nagsinungaling ako dahil matagal na akong walang trabaho

Kilala mo ba ako? tanong ulit nya
ah eh pinilit kong alalahanin kung kilala ko nga sya
Nagtrabaho ako sa inyo dati. sabi nya

Pinilit kong inalala pero hindi ko sya matandaan. Nagpaalam na sya at nakipagkamay sya sakin sabay sabi hanggang sa muli.

Kilala ba nya talaga ako o napagkamalan nya lang akong kakilala. Kung sakaling nagtrabaho sya sa amin malamang hindi ko nga sya matatandaan ilang tao rin ang mga nakakasalamuha ko araw-araw malabong maalala ko lahat ng taong iyon.

Dumating yung hinihintay kong kasama ko, ubos na rin ang yosi. padating nya sabi nya

Oh ano? tara na.

at umalis na nga kami at patungo sa aming destinasyon pero iniisip ko pa rin kung kakilala ko nga yung mamang nakadilaw kanina.

photo by Douglas Bagong-Gahasa
I cant find any yellow shirt so I just took a yellow flower

0 comments: