Kuya

Saturday, January 9, 2010 | |


I feel old na yung mga kids na tinuturuan ko lang dating mag-underwear ngayon nakakausap ko na tungkol sa mga makamundong bagay.

Kuya!

Madalas ako ang tumatawag na kuya dahil lagi ako ang bunso sa barkada kahit sa klase dahil maaga akong nag-aral. Sanay akong tumatawag ng kuya pati mga kaklase ko ngayon ako na mismo ang kinukuya.

Matanda na daw ako kailangan ko na daw magkapamilya sabi nitong totoy na kausap ko. Hindi pa naman matanda ang bente-uno sa katunayan masyado pang maaga para magka-asawa sa ganitong edad. At kung saka-sakali mang mag-asawa ako ano na lang ang ipapakain ko sa mga anak ko? Di bale na kay misis kase tiyak mabubusog sya sa burat ko.

Ang bilis ng takbo ng panahon parang kailan lang mga teks at larong kalye lang ang inaatupag nitong mga ngayon marunong nang kumantot.

Kuya, ano pong gagawin ko pag nakabuntis ako?

Panagutan mo sagot ko, kantot ka ng kantot kailangan mong panagutan ang bunga ng mga bagay na ginagawa mo. Maging responsable ka.

Kuya nakabuntis ka na ba?

Hindi pa naman sa awa ng panginoon.

Maaring nagiging masamang impluwensya ako sa mga batang to dahil nakakausap ako ng mga ganito pero physiological need ng tao ang sex itanong mo pa yan kay Masllow. Kung idedeprive mo ang isang bagay na kailangan ng isang nilalang magiging unhealthy ito which can cause serious illness and eventually will lead to death.

Hindi abtinence ang kailangan ng mga kabataan, pang-unawa. Kailangan nila ng taong makakaunawa sa kanila, kailangan nila ng taong maggagabay na ang akto ng pagtatalik ay isang seryosong bagay. Maaring magkaroon ng bunga ang bagay na ito na maaring makapagpabago sa kanilang buhay.

Pinanganak akong nakahubad, hindi ako binalutan ng banal ng tela galing sa langit nung iniluwal ako. Isa akong tao tulad mo may libog sa katawan na isang bagay din na pinagkaloob ng Dyos.

Tamang edukasyon ang kinakailangan ng mga batang ito, tamang gabay at tamang pag-aaruga ng mga magulang.

Halimbawa may lobo ka, hinipan mo ito lumaki sya, hipan mo ulit at hinipan mo ulit at hinipan mo ulit at hinipan mo ulit. Gigantic balloon na ang kinalabasan at hinipan mo ulit ayun pumutok. Napansin mo ba na ang isang bagay kapag lalong hinihigpitan lalong kumakawala? Kapag ang isang bagay mas lalong binibigyan ng pressure ay sumasabog. Ngayon kung pipilitin mong pagbawalan ang mga batang ito na tuklasin ang kanilang sekwalidad maaring sumabog din sila eh di mas lalong dadami ang mga baliw dito sa Pinas.

Photo By: Douglas Bagong-Gahasa
Nakilala ko tong dalawang batang to sa St. Jude sa maynila. Magkapatid sila, nanghihingi sila ng barya pero pagkain na lang ang binigay ko sa kanilang dalawa.

0 comments: