Dear Future-Me

Tuesday, January 12, 2010 | |

(Please read this on January 12, 2020)


Congrats for surviving 2012 at siguro kailangan mo nang dalasan ang pagsisimba dahil hanggang ngayon buhay ka pa rin. O baka naman zombie ka na ngayon? Brains! Kung zombie ka na wag mong hahayaang talunin ka ng mga plants.

May mga lumilipad na bang sasakyan? May gamot na ba sa cancer, sa AIDS at sa sakit sa katangahan? Kumusta naman ang 2020? First world na ba ang Pilipinas? Si Gloria pa rin ba ang pinuno? PUTANGINA kung sya pa rin.

May abs ka na ba? Wala na ba yung baby fats saka beerbelly mo? Ang dami kong tanong no?

Hindi ko alam kung may asawa ka na o nakabuntis ka na ng babae, sana naman edad mong yan may asawa ka na o kahit anak man lang. Ang daming sana no? Sana pag nabasa mo to hindi ka madisappoint na ni lahat sa mga sana na to walang natupad. Ayos lang yan! Kaya mo yan. Iisa lang tayo eh, kakayanin kahit anong mangyari.

Sana buhay pa si Papa sa taong iyan, sana may sariling bahay ka na ring naipundar. Okay na ba kayo ni madrasta? Maldita pa rin ba sya? Sagasaan mo na sya! haha

Ngayong 2010 ang dami kong plano para sa sarili ko para maganda ang buhay ko sa taong iyan. Punong-puno ako ng pag-asa, gusto ko na rin magbago eh. Gusto kong may mapatunayan kay Papa.

Siguro marami ka ding napagdaan simula ngayong araw na to. Sana pagkabasa mo nito maalala mo na may isang binatang hindi nawalan ng pag-asa na kahit papano makakaangat sya sa buhay.

Sana mas okay ang future kesa ngayon. Sana mas okay ang buhay ko, mo o natin sa hinaharap.

Ang weird lang kausap ko ang sarili ko na parang ibang tao. Schizophrenic much? LOL

Sana maayos ang lahat sa hinaharap. O sya hanggang dito na lang


Umaasa;
Your-21-Year-Old-Self

14 comments:

Arvin U. de la Peña said...

good luck for your future..

blurosebluguy said...

aba hindi masama kausapin ang inner self natin..nakakabuti yan...at saka kahit ano sabihin di sya magrereact violently hahahaha...

Rej said...

for as long as we have not given up on our dreams there is always a possibility na matutupad natin yun. God bless, bro.

BTW, salamat sa pagdalaw sa aking pahina. :)

donster said...

hahaha Ang galing!!! natuwa ako sa sinulat mo... tama ang ginawa mo, tinignan mo ang kinabukasan base sa mga nangyayari ngayon at sa nakaraan hehehe at puno ng pag asa jijijiji

fiel-kun said...

haha, natawa ako dun sa una. plants vs. zombie hehe ^_^ di naman ako naniniwala sa apocalyptic end ng mundo sa 2012... bakit ikaw ba gusto mong mangyari yun? diba hindi? :)

Siguro by 2020, may asawa't anak na rin ako.

at siguro, di na kailangan magtipa sa keyboard... lalabas na yung message mo sa screen gamit ang isip hehe...

Pretsel Maker said...

sana nga buhay pa tayo sa 2020

Douglas said...

ohaithurr blogosphere citizen. :D

@Arvin- THANK YOU « yes that's all caps with passion lol

@Rej- ay ganon ba yun? sige instead of talking to inanimate object ill talk na lang with myself.

@Donster yes we should never lose hope kahit na may marlboro na tindahan saka winston at fortune. masarap pa rin hithitin ang hope.

@Fiel-Kun sana nga ako din by 2020 may asawa na sabi kase sakin ng mga ex ko hindi ako makakaasawa dahil masama ang ugali ko. haha

@Pretzel-Maker- Sana nga pero oks lang sakin kung deds na ako sa 2020. onsekantot wag muna pala. 31 lang ako sa 2020. im too young to die

Jepoy said...

Eto Pre beer din para sayo! Gusto ko ang post na ito. Schizophrenic din kasi ako LOL

Andrei Alba said...

i enjoyed reading your blog.

sana sa 2020, nagsusulat ka pa rin. huwag ka tumigil sa pagsulat.

have a nice day.

Douglas said...

@Jepoy Mabuhay ang mga schizo!

@Andrei Salamat! will try. sana nga by 2020 eh hindi pa ako napuputulan ng daliri at may mga creative juices pa rin ako :D

domjullian said...

whatever future brings, be happy.salamat sa pag bisita, daan ka kahit araw-araw.

tim said...

Life is wonderful, and talking to your self, for me is the best thing to do everyday, because i always did it, and that helps me motivates my confidence, because nobody would encourage you first, it is yourself, so better if you do talk to your self, i always love having good conversation with me, hehehe. Crazy, when people caught you in the act doing it, but hey lessons can be learned in that way too. Thank you for posting this. Have a God day!

topexpress said...

I am loving your blogs tol! astig! nakakatuwang basahin.

Add kita sa blog roll ko at slamat pla sa pagdalaw sa aking bahay blog.

may this year of the metal tiger be your Canadian year na din po.

kudos!

Douglas said...

@domjulian salamat. yes i will make dalaw everyday

@tim salamat din tim for your deep english which causes me epistaxis. lol

@topexexpress SALAMAT iaadd din kita. sana nga. sana :D